Tumagal lamang ng 2 oras ang hot pursuit operation ng Malolos pulis laban sa 3 katao kabilang ang 2 menor de edad na sakot sa kaso ng pananaksak sa isang estudyante sa Brgy. Caingin sa Malolos City.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director The Hunter PCol. Angel Garcillano kinilala suspek na si alyas Bie, 23-anyos; at dalawang menor de edad 16 at 17 na nasa kostudiya ng CSWD.
Habang kinilala naman ang biktima na si Vincent Carl Soliman Y Tan ,18-anyos, estudyante, at residente ng Brgy. Canalate, Malolos City.
Nabatid na nangyari ang insidente sa gilid ng Caingin Elementary school, 10:00 ng gabi ng Marso 22, 2026 at naisugod pa ang biktima sa Bulacan Medical Center subali’t idineklarang dead on arrival ni Dr. Billy Deleon, dahil sa malalim na sugat sa bahagi ng kanyang tiyan.
Una nang nagkasuntukan ang grupo ng kabataan, na nauwi sa pananaksak ng isa sa mga suspek gamit ang kutsilyo.
Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng duelo ang isang Llave Asero na nakabalot sa isang panyo.
Samantala, kasong Homicide ang isasampa laban sa suspek na si alyas Bie, na nakakulong sa Malolos City Jail, habang nasa kostudiya ng CSWD ang dalawang menor de edad.

Share.
Exit mobile version