Nakiramay ang Memphis Grizzlies sa biglaang pagpanaw ng forward na si Brandon Clarke.
Sa mensaheng inilabas ng NBA team, nakasaad dito ang pagkabigla ng koponan sa pagpanaw ng 29-anyos na forward, kasama ang pakikiramay nito sa naulilang pamilya.
Tinukoy ng Memphis ang batikang forward bilang isang mabait na teammate at ang kaniyang ambag sa Grizzlies at sa buong Memphis community ay hinding-hindi makakalimutan.
Ayon naman kay NBA Commissioner Adam Silver, nalulungkot ang buong liga sa pagpanaw ni Clarke.
Tinukoy niya ang namayapang forward bilang ‘kinagigiliwang’ teammate at lider na mayroong hindi matatawarang pagmamahal sa basketball.
Taong 2019 noong pinili ng Oklahoma City Thunder si Clarke bilang 21st overall ngunit na-trade din siya kaagad sa Memphis sa draft night.
Ginugol niya ang buong karera niya sa NBA sa nag-iisang team na Memphis.
Sa kaniyang unang season sa liga, napabilang siya sa NBA All-Rookie First Team, hawak ang average na 12.1 points at 5.9 rebounds per game.
Sa kasalukuyan, hindi pa inilalabas ng NBA ang dahilan ng pagpanaw ng batikang forward.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

