Posibleng magkaroon ng panibagong tambalan sa showbiz matapos umugong ang balitang si Gerald Anderson ang susunod na magiging leading man ni Nadine Lustre sa isang bagong proyekto.

Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon, positibo na agad ang naging reaksiyon ng maraming fans sa napapabalitang team-up ng dalawa.
Marami ang nagsabing may potensiyal ang kanilang chemistry at gusto nilang makita ang aktor at aktres sa iisang serye.
Kasabay nito, inaabangan pa rin ang pelikula nina Nadine at Paulo Avelino na kinunan sa Paris, France.
Gayunman, tila mas naging excited ang ilang netizens sa posibilidad na makapareha naman niya si Gerald sa susunod na proyekto.
Kung matutuloy ang tambalang Nadine at Gerald, siguradong marami rin ang mag-aabang sa magiging reaksiyon ng publiko, lalo na’t hindi naiwasang mabanggit ng ilang netizens ang koneksiyon nito kay Kim Chiu, na napapabalitang malapit ngayon kay Paulo Avelino, habang si Gerald naman ay dating naging nobyo ng aktres.
=====

Share.