Mas pinalawak ng gobyerno ang bilang ng mga gamot na libre na sa value-added tax (VAT) upang mapagaan ang pasanin ng mga pasyenteng may sakit na nangangailangan ng pangmatagalang gamutan.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang healthcare system sa bansa at bawasan ang sakripisyo ng mga nagkakasakit na mga Pilipino.
Dahil dito, naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ng listahan ng mga gamot na VAT-free upang makabawas sa gastos ng mga pasyente.
Kabilang sa mga gamot na VAT free ay para sa mga sakit sa cancer, diabetes, mataas na kolesterol, hypertension, sakit sa kidney, mental illness at tuberculosis.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ang hakbang na ito ng gobyerno ay para sa patuloy na repormang nakapaloob sa TRAIN at CREATE laws na isinulong nito noong senador pa ito na layuning mapababa ang presyo ng mga gamot at mapagaan ang gastusin sa kalusugan ng mga Pilipino.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet

