The long wait is over.
Nakabalik na nga si Kris Aquino via Netflix’s new project.
In-announce nga mismo ng nasabing streaming platform ang comeback vehicle ng Queen of All Media.
Ito’y sa pamamagitan ng promo campaign as “chief head of insights and kontent analysis” o “C.H.I.K.A.”
Nasaksihan uli si Kris who’s back in her frank and glib self sa pagbibigay ng kanyang two cents o opinyon.
Nitong August 7 inilabas ang teaser.
Kasama ni Kris ang editor na si Earl John habang sinusuri ang ilang scenes mula sa tatlong Pinoy TV series.
Kabilang dito ang A Secret in Prague, Blood vs Duty at The Master Cutter.
Ang naturang project ay bale comeback vehicle ni Kris after years of being sidelined due to her autoimmune disease.
Masaya naman ang fans sa pagbabalik ni Kris.
Welcome back, Kris!
====
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet

