Inamin ni Enrique Gil na binalak niya noong mag-quit sa showbiz.
Marami raw kasi siyang challenges na hinarap tulad ng pandemya, ang pagsasara ng Kapamilya network, ang paghihiwalay nila ng dating loveteam partner at childhood sweetheart na si Liza Soberano at ang pagkamatay ng kanyang tatay.
Noon daw ay naisip na lang niyang ilaan ang kanyang panahon sa kanyang pamilya at ibang negosyo.
Katunayan, dumating daw siya sa panahon na tinamad na siya sa pag-aartista.
Gayunpaman, na-realize raw niya na hindi niya basta matatalikuran ang limelight dahil passion niya ang pag-arte.
Sa kanyang pagbabalik sa sirkulasyon, gusto raw niyang subukan ang mga bagay na hindi niya dating ginagawa tulad ng pagpapatawa at pagsabak sa aksyon.
Sa naturang interbyu naman sa vlog ni Karen Davila, natanong ang aktor tungkol sa relasyon nila ng ex na si Liza.
Aniya, may komunikasyon pa rin naman sila sa kabila ng kanilang naging hiwalayan.
“I would say that we were not that in touch, but we were in touch, still, at times,” aniya. “Especially when important things happen in our lives, maybe just to check on each other, but my life is here and her life is there and I wish her all the best,” dugtong niya.
Gayunpaman, wish daw niya na magtagumpay ang aktres sa pagpasok nito sa Hollywood.
Hirit pa niya, hopia raw siyang magkaroon na rin ng lovelife pagkatapos na ma-stuck sa kanilang loveteam.
“I’ve just been so closed out for such a long time, and I always keep my heart hoping,” bulalas niya.
“Sometimes, kailangan ganu’n eh, that’s life, you just keep moving forward and I just trust in God,” pahabol niya.
Naurot din ang aktor kung bet ba niyang magsolo o mai-partner pa sa ibang ka-loveteam.
“At this point, in my career, not necessarily. I wouldn’t say na I’m closed out to it, but at this point, I think it’s not needed for me,” pagtatapos niya.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

