Aliw ang hatid ni Ellen Adarna makaraang ‘magpasampal’ sa paldong monthly sustento ni John Lloyd Cruz sa kanilang anak na si Elias.
Sa kanyang ibinahaging reel sa Instagram, makikitang isinasampal kay Ellen ang ilang bundle ng pera.
“Caption this because…. 😭🤣🤣🤣 Drop your best one below. May the most unhinged caption win,” ayon sa post ni Ellen.
Sa comments section, isang netizen ang nagsabing “boyfriend reveal” bilang inakalang source ng pera.
Dito sinabi ni Ellen na, “Gagi monthly sustento to ni jl sa anak Nya ahahah ginawa ko nalang play time ahahhahah. Wala akong boyfriend noh! Pls lang hahahahah.”
Napa-comment tuloy ang mga friends ni Ellen maging ang mga netizen na namangha sa makapal na sustento ni John Lloyd:
“jl lang malakas.”
“sana all may JL haha.”
“Slap me with 2 bundles of thousand-peso bills, babe. Not with a $50K credit card limit… that’s just pocket change.”
“The only SLAP that i accept 😎 LOL”

====

Share.