Sugatan ang isang truck driver nang mawalan ng preno ang minamanehong elf truck na may kargang saging at bumangga sa gilid ng bundok sa kahabaan ng Lutayan–Columbio Road sa Brgy. Lasak, Columbio, Sultan Kudarat,9:30 ng umaga nitong Sabado, Abril 11, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan nang pumalya ang preno dahilan upang bumulosok ito at tuluyang sumalpok sa gilid ng kalsada.
Agad rumesponde ang mga otoridad at rescue team at isinugod ang biktima sa Columbio Infirmary Hospital matapos magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang sanhi ng insidente.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

