Tila handa na ang celebrity couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz sa kanilang first baby.
Sa latest episode ng “Unang Hirit” nitong Lunes, Mayo 4, sinabi ni EA na ang hiling daw niya para sa ika-31 kaarawan ng misis ay magkaroon na sila ng anak.
“I wish na sana magka-baby na tayo soon,” saad ni EA.
Sabi naman ni Shaira, “Ready na ba? Parang ready na!”
“Ngayong taon, i-manifest natin,” dugtong pa niya.
Matatandaang ikinasal sina EA at Shaira noong Agosto 2025. Ngunit bago pa man ito ay lampas isang dekada na silang magkarelasyon.
Sa loob ng 12 taong relasyon, inamin ni EA na kahit hirap siya ay wala pang nangyayari sa kanilang dalawa ni Shaira.
Kaya naman matapos ang kanilang pag-iisang-dibdib, hindi naiwasang mausisa kung naging masaya ba ang unang gabi nila bilang newly-wed couple.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

