Nahulog sa bangin ang isang sasakyan sa San Remigio, Antique noong Biyernes ng hapon.
Sa daschcam video ng uploader, bumabaybay sa bulubunduking bahagi ng kalsada sa Barangay Carawisan ang kanilang sasakyan.
Maya-maya, isang puting sasakyan ang sumulpot sa kanilang harapan at napadire-diretso sa bangin na tinatayang mahigit tatlumpung metro ang lalim o katumbas ng walo hanggang sampung palapag ng gusali.
Mabilis na rumesponde sa lugar ang mga rescuer, at isinugod sa ospital ang driver ng sasakyan.
Base sa imbestigasyon ng San Remigio PNP, mabilis ang takbo ng sasakyan at hindi nakontrol ng driver ang manibela, kaya nahulog.
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang driver, at patuloy na ginagamot sa ospital.
Trending
- Catindig, Manalac sumungkit ng unang medalya ng PH sa Asian Games
- Shure Summit 2026 na “From Meeting Rooms to Center Stage”
- Frankie, umamin na sa relasyon
- Alex Eala, spotted sa NY fashion week; Heart, kinabog
- CinePanalo Film Festival entries, inihayag na
- Driver sugatan sa nahulog na sasakyan sa bangin
- 3 katao arestado sa pagbabanta sa online
- Truck bumaliktad sa kurbada: 7 sugatan

