NAARESTO ang 26-anyos na e-bike driver na nangholdap at pumatay sa kanyang pasaherong babae nang inguso sa pulisya ng nakasaksing testigo sa Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth ang suspek na si alyas “Rodman”, residente ng Gen. Luis St. Brgy. 13.
Sa imbestigasyon ng pulisya, 6:05 ng umaga, sakay ng e-bike na minamaneho ng suspek ang 33-anyos na biktimang si alyas “Angelica”, galing ng Monumento nang magkaroon ng komosyon matapos umanong magdeklara ng holdap ang suspek pagsapit sa 4th Avenue.
Tinangka umanong manlaban ng biktima na naging dahilan upang pagsasaksakin siya ng suspek hanggang makatakbo palayo para humingi ng tulong sa mga residente sa C. Namie Street.
Subali’t, dahil sa dami ng tinamong tama ng saksak sa leeg at iba’t-ibang bahagi ng katawa, humandusay na lamang ang duguang biktima hanggang mawalan ng buhay sa isang eskinita sa C. Namie St. Brgy. 38.
Isang testigo naman na nakakilala sa suspek ang nagturo kay P/Capt. Zoilo Lopez, hepe ng Tuna Police Sub-Station 1 na agad nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Rodman.
Nakuha naman ng mga tauhan ng Northern Police District Forensic Unit (NPD-FU) sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang patalim na ginamit ng salarin na may bahid pa ng dugo.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
