Opisyal na ngang ipinakilala ng Deparment of Tourism bilang tourism ambassador ng bansa ang P-pop girl group na BINI.
Ang tungkulin ng grupo’y bilang katuwang ng nasabing ahensya sa pagsusulong at pagpapalakas ng turismo sa bansa.
Ang pagsamahin ang musika at imahe ng ating mga tanawin para makalikha ng mas malakas at lasting impression sa publiko ang layunin
ng DOT.
Napansin kasi ng ahensya ang malaking impluwensya at katanyagan ng BINI makaraang
makapagtala ng mataas na engagement ang isang DOT post.
Importanteng kilalanin ang ipinagmamalaki ng bansa na ang tinutukoy ay ang tagumpay ng BINI sa pandaigdigang entablado.
Una nang sinabi ng DOT na nais nilang makuha ang serbisyo ng BINI bilang posibleng tourism
ambassador ng bansa.
Ito’y para sa pagpapalawak ng promosyon ng mga magagandang tanawin at destinasyon sa atin.

Share.