Magtatalaga ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng humigit-kumulang 240,000 benepisyaryo ng programang TUPAD upang tumulong sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga silid-aralan sa 5,000 paaralan sa buong bansa simula Lunes.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, isasagawa ito katuwang ang Department of Education (DepEd) bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.
“The repair and renovation of classrooms will provide jobs for our countrymen nationwide,” ani Tolentino.
Kabilang sa mga gagawin ng mga benepisyaryo ang pagpipintura, paglilinis, pagkukumpuni ng mga pasilidad, at iba pang maintenance work sa mga silid-aralan. Makikipagtulungan din ang programa sa mga Parent-Teacher Association (PTA).
Sinabi ni Tolentino na sabay-sabay itong ipatutupad sa buong bansa at sasaklaw sa mahigit 200,000 silid-aralan.
Ayon pa sa kalihim, pinalalawak na ang TUPAD mula sa pagiging programang pangtugon sa sakuna upang makatulong din sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.
“The concept of TUPAD is that it can really help the local economy,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Tolentino na naaayon ang programa sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mga nawalan o nawawalan ng trabaho.
Trending
- Peabo Bryson pumanaw @ 75
- Keanna Reeves, mahilig sa bagets
- Jerald Napoles inintriga dahil ‘feeling pogi’
- Mga serbisyo inilapit ng DAR sa mga magsasaka sa Batangas
- Rep. Sandro Marcos, dawit sa nakatanggap umano ng maletang pera
- Cayetano, pinayuhan si Gatchalian: ‘Wait for your time’
- Tag-ulan sa PH, opisyal nang inanunsyo ng PAGASA
- 18 Ex-Marines, magpapasa ng bagong affidavit

