Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na may mga lead na umano silang hawak kaugnay sa kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na umalis sa Senado noong madaling-araw ng Huwebes, Mayo 14, kasunod ng putukan sa gusali.
“There are new leads and actionable information that is available to the Republic… there are information available to us to determine where he is,” ani Justice Secretary Fredderick Vida.
Nanindigan din ang kalihim na valid ang warrant of arrest laban kay Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC) at naabisuhan ang Philippine Center on Transnational Crime para isilbi ito.
Kinumpirma rin ng DOJ na natanggap na ng pamahalaan ang naturang warrant at ang request ng ICC para sa pagpapatupad nito sa bansa.
Naglabas na rin ang ahensya ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa senador upang bantayan ang pag-alis nito ng bansa, na ayon kay Vida ay maaaring ituring na “mockery of justice”.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

