Patuloy na binabantayan at kinukumpirma ng gobyerno ang ulat na mayroong mga bagong istraktura na naipatayo sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoa.
Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr, na kahit maliit lamang ang nasabing usapin ay kanila na itong minomonitor.
Ang Bajo de Masinloc ay matatagpuan sa 124 nautical miles west ng mainland Zambales at ito ay pasok sa 200-nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.Balitang Pilipinas
Ito rin ay matatagpuan sa 472 natutical miles mula sa Hainan, China.
Ang nasabing shoal ay nasa ilalim ng control ng China mula pa noong 2012 kahit na mayroon ng 2016 arbitral ruling na ang Bajo de Masinloc o tinatawag din na Scarborough o Panatag Shoal ay tradisyunal na fishing ground kung saan hindi dapat paghihigpitan ang mga mangingisda.
=====
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

