Game na kumasa si Diwata sa hamong harapin si MMDA Gen. Manager Nicolas Torre III.
Marami kasi ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig nila.
Diwata accepted the challenge to the point of visiting Torre.
Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Diwata ang video ng kanyang personal na pagpunta sa tanggapan nito sa Barangay Ugong, Pasig City.
Narahuyo si Diwata dahil sa mga comments ng netizens: “Sana magtagumpay tayo para magkita kami!”
Winelkam naman ni Torre ang social media personality cum businessman–todo asikaso pa.
“Sa mga nagsasabing magkamukha kami, husgahan n’yo na!” sey naman ni Torre.
“Parang tama nga kayo,” napagtanto din mismo ni Diwata.
Biro ni Torre, uusisain daw nila ni Diwata ang kanilang mga tatay “kung ano’ng nangyari!”
Matagal nang sinasabing magka-fez sina Torre at Diwata.
Pumunta pa nga si Torre sa paresan ni Diwata sa Pasay City pero hindi sila nagpang-abot.
====
Trending
- Kyline, inabswelto si Miguel
- Vincent, inirereto noon kay Kim Chiu
- Echo, nagpaka-fanboy kay Matt Damon
- Kings, tinapos ang Summer League sa panalo vs Hornets, 92-90
- LeBron James, ‘di pa rin nakakapili ng team na lilipatan
- UST astig sa Shakey’s Juniors volleyball semis
- Ryan Garcia, dedepensa vs Conor Benn sa Setyembre
- Friendship over na? Bela Padilla wala sa IG post ni Angelica Panganiban

