Babad sa deep dark web ang shooter na nasa likod ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Sabado, Setyembre 19.
“Upon investigation, he was heavily into the deep dark web. He was into the deep dark web which influenced him,” sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla.
“According to his phone, he left several notes detailing his depression at tuloy-tuloy ito. And it was discovered last April 2026 ng parents niya. And the parents tried to handle the situation ngunit nagkulang,” ani Remulla.
“This is another incident and one too many. Again for the third time, an illegal gun was used that was not secured.”
Ayon kay Remulla, ang baril ay pagmamay-ari ng ama ng shooter na isang disaster risk mitigation officer ng Department of Education (DepEd).
“Mayroon siyang (‘yung ama) tatlong licensed firearms na hindi secured enough na nabuksan ng bata at kinuha ‘yung baril,” sinabi ni Remulla.
Samantala, inabisuhan ni Remulla ang mga magulang na tingnan kung ano ang ginagawa ng kanilang mga anak sa social media at mga website na binibisita ng mga ito.
“Tingnan ninyo. It is not a privacy issue. Anak n’yo ‘yan… Nalulublob sila sa malalalim at madidilim na websites.”
Hinimok ni Remulla ang mga magulang na tingnan ang mga senyales ng depresyon sa kanilang mga anak at humingi ng nararapat na mental health care.
“Depression is real. Depression among kids is real. And we must give the warning signs and we must give access to proper psychiatric health care,” ani Remulla .
Hinimok niya rin ang mga magulang na imonitor ang cellphone, social media, at paggamit ng internet ng kanilang mga anak kasabay ng pag-imbestiga naman ng mga awtoridad sa online activities at personal notes ng shooter.
Nakita rin ng mga imbestigador ang ebidensya ang matinding social media at internet activity nito sangkot ang mga bayolenteng content.
Sinusuri na ng pulisya ang cellphone, gadget at iba pang personal na epekto bilang bahagi ng imbestigasyon.
Aniya, napansin na ng mga magulang ang senyales noon pang Abril at sinubukan itong ayusin.
“It starts [at]home.”

Share.