Sumakses si Kim Chiu sa nakaraan niyang Closet Bazaar 2026, selling her pre-loved items.
Sa halip nga na tumakbo ito nang three days, inabot lang ito nang isang araw.
Nagkaubusan na kasi ng paninda–as in sold out!
Eh, dagsain ba naman ‘yon ng mga fans ng TV host-actress, ‘no!
But this is not the catch.
May mga ilang damit kasi ng Ate Lakambini ni Kim ang naligaw at napasama sa stuff ng Chinita Princess.
Ang siste, may namakyaw daw ng mga ito at isinoli mismo ng buyer kay Lakam!
Sey ng isang netizen: “Naloka ‘yung mga bumili kasi damit ng Ate Lakam niya. Pinakyaw tapos ibinalik sa ate ni Kim!”
Paano nalaman?
Hindi daw kasi ka-size ni Kim ang mga damit, namukhaan pang kay Lakam ang mga ‘yon.
Hindi ba tsinek man lang ni Kim ang mga paninda niya, o baka naman noong time na ‘yon ay okey pa silang mag-ate?
Lest we forget, inireklamo ni Kim si Lakam on money issues.
====
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

