Naghain si Senador Joel Villanueva ng dalawang panukalang batas upang tiyakin at maprotektahan ang allowances ng teaching at non-teaching personnel sa pampublikong edukasyon.
Ayon sa kanya, layunin ng Senate Bill Nos. 1605 at 1606 na gawing permanente ang mga benepisyo at regular na i-adjust ang halaga nito kada tatlong taon upang makasabay sa inflation.
“Benefit amounts are adjusted every three years to account for inflation, meaning the allowances will not lose purchasing power over time,” ani Villanueva.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1606, makatatanggap ang mga guro at non-teaching staff ng kabuuang ₱5,000 kada quarter o ₱20,000 kada taon, kabilang ang ₱3,000 para sa grocery at transportasyon at ₱2,000 para sa medical expenses.
Samantala, ang Senate Bill No. 1605 ay naglalayong magbigay ng kaparehong benepisyo sa mga guro sa state universities and colleges at state-run technical-vocational institutions.
Sinabi ni Villanueva na bagama’t may umiiral nang medical allowance mula sa Department of Education sa pamumuno ni Sonny Angara, kinakailangan pa rin ng batas upang matiyak na hindi ito mababawasan sa budget.
“Sa pamamagitan ng panukalang ito, pagtitibayin at palalawigin nito ang mga repormang nasimulan na,” dagdag niya.
Nakasaad din sa panukala na ang mga allowance ay hindi papatawan ng buwis maliban kung lalampas sa itinakdang limitasyon ng batas.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

