Para mapalakas ang transportasyon sa pagitan ng mga komunidad ng magsasaka at mga pamilihan isinusulong na ng Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa yugto ng bidding ang mga farm-to-market road (FMR) project na nagkakahalaga ng P71.52 milyon sa Concepcion, Tarlac,
Kaugnay nito nilagdaan ng dalawang kagawaran nitong Huwebes, Setyembre 10, ang isang memorandum of agreement na sumasaklaw sa apat na proyekto na may pinagsamang haba na 5.43 kilometro sa ilalim ng 2026 Farm-to-Market Road Development Program.
Kabilang sa mga proyekto ang pagsesemento ng mga kalsada sa Barangays Balutu, Santiago, at Castillo, gayundin ang kalsadang nag-uugnay sa Balutu at Panalicsican.
Sinabi ng Department of Agriculture (DA) saklaw ng proyekto sa Balutu ang 1.16 kilometro at nagkakahalaga ng P14.89 milyon, habang ang kalsada sa Santiago ay may habang 1.51 kilometro at may pondong P21.89 milyon. Ang proyekto sa Castillo ay may habang 1.56 kilometro at nagkakahalaga ng P19.85 milyon, habang ang Balutu-Panalicsican road ay may habang 1.21 kilometro at nagkakahalaga ng P14.89 milyon.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na makatutulong ang mga farm-to-market road upang mas mabilis na maabot ng mga magsasaka ang mga mamimili, habang binabawasan ang mga hamon sa transportasyon na maaaring magpataas ng gastos at maglimita sa kanilang access sa mga pamilihan.
Kaugnay nito sa ilalim ng kasunduan, ang DA ang magtatakda ng mga pamantayan para sa mga kalsada, rerepaso sa detalyadong engineering designs at programs of work, maglalabas ng pondo at magmo-monitor dito, at susubaybay sa pisikal at pinansyal na progreso ng mga proyekto.
Samantala, pangangasiwaan ng DPWH ang procurement, paggawad ng kontrata, pangangasiwa sa konstruksyon, quality control, at pagsunod ng mga contractor sa mga itinakdang pamantayan at kondisyon ng kontrata.
Trending
- Sofia Andres, binunutan ng walong ngipin, nabungal!
- Pops, unang nakatapak sa star ni Lea
- Bianca, ginawang debut ang 90th bday ng lola!
- 2 SUV winasak ng grupo ng Partisano
- Kaso vs Michelle Dee, Rhian Ramos at iba pa, ibinasura
- DSWD sinuportahan ang regulasyon sa online platform
- DA at DPWH, pinagtibay ang P71.5M kasunduan
- Bigtime sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

