Pinagtibay ng Korte Suprema (SC) na ang cyberlibel ay may prescriptive period na isang taon mula sa oras ng pagkakatuklas sa krimen, hindi mula sa petsa ng publikasyon.
Sa 30-pahinang resolusyon noong Abril 8, tinanggihan ng SC En Banc ang hiwalay na mga motion for reconsideration na isinampa ni Berteni Causing at ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay ng kasong libel laban kay Causing, dating konsehal ng Marikina City.
Ayon sa SC, ang prescriptive period ay nagsisimula sa araw na natuklasan ng biktima ang krimen, batay sa Artikulo 91 ng Revised Penal Code (RPC).
Nilinaw rin ng SC na hindi awtomatikong nangangahulugan na nakita na ng biktima ang post dahil hindi agad naa-access ang lahat ng nilalaman ng social media.
Nagpasya ang SC na ang cyberlibel ay hindi hiwalay na krimen kundi libel na isinagawa gamit ang computer system.
Binigyang-diin ng SC na ang prescription ng mga krimen ay nasa kapangyarihan ng Kongreso.
Sa kanyang opinyon, sinabi ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na ang isang-taong prescriptive period ay dapat lamang i-apply sa mga pribadong indibidwal.
Inulit din ni Justice Leonen ang panawagan na i-decriminalize ang libel laban sa mga public figure upang mapanatili ang malayang pagpapahayag.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

