Aabot sa 10 lugar sa bansa ang makakaramdam ng higit 40°C heat index ngayong Huwebes, Abril 17, ayon sa PAGASA.
Batay sa forecast ng PAGASA, makakaranas ng 41°C heat index ang Cotabato City at Dagupan City.
Samantala 40°C heat index naman ang mararamdaman sa Bacnotan, La Union; Borongan City; Coron, Palawan; Dumangas, Iloilo; Guiuan, Eastern Samar; Hinatuan, Surigao del Sur; Pili, Camarines Sur; at Zamboanga City.
Kabilang ito sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘extreme caution’ category kung saan pinapayuhan na iwasan ang tuloy-tuloy na aktibidad sa gitna ng init dahil posible itong magdulot ng heat stroke.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

