Pinaputukan ang tatlong sasakyan sa convoy ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof Macacua ng mga armadong lalaki na nakapuwesto sa gilid ng isang bahagi ng highway sa Barangay Bitu sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, Sabado ng hapon, Agosto 15.
Sakay si Macacua sa isa sa tatlong sasakyan, isang bulletproof na Toyota Land Cruiser, ang iniulat na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin gamit ang mga assault rifle.
Magkahiwalay na sinabi sa mga mamamahayag ni Brig. Gen. Ricky Bunayog, acting commander ng Army’s 6th Infantry Division, at ni Brig. Gen. Michael Abecia na tumutulong ang mga tauhan ng kanilang intelligence units sa imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station kaugnay ng insidente.
Ligtas at walang nasugatan ang lahat ng sakay ng tatlong sasakyang tinamaan ng bala sa naturang pag-atake.
Nagdulot ng matinding takot sa mga residente ng mga kalapit na pamayanan ang sunod-sunod na putok ng baril na umalingawngaw sa lugar.
====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

