Pormal nang kinasuhan ang pop star na si Britney Spears ng driving under the influence (DUI) of alcohol and drugs sa California.
Ayon sa ulat, ang reklamo ay kaugnay ng kanyang pagkakaaresto noong unang bahagi ng Marso. Hindi pa sinasabi kung anong substance ang umano’y nakaapekto sa 44-anyos na singer nang mangyari ang insidente.
Nakabinbin ang kanyang arraignment sa Ventura County ngunit hindi na niya kailangang dumalo dahil misdemeanor lamang ang kaso at maaaring katawanin ng kanyang abogado.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng makaiwas sa pagkakakulong si Spears sa pamamagitan ng plea deal kapalit ng guilty plea at ilang kondisyon tulad ng probation, driver safety class at multa.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng kanyang kampo na handang sumunod sa batas ang American singer at gumawa ng tamang hakbang, kabilang ang pagpasok sa rehab.
Si Spears ay sumikat noong late ‘90s sa mga hit tulad ng “Baby One More Time” at “Oops!…I Did It Again”
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

