Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga incumbent barangay officials na naglilingkod sa kanilang ikatlong magkakasunod na termino na hindi na pinapayagang lumahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Nobyembre 2.
Sinabi ng Comelec na ang three-term limit ay itinatadhana sa ilalim ng Republic Act No. 12232 (An Act Setting the Term of Office of Barangay Officials and Members of the Sangguniang Kabataan).
“Incumbent elective barangay officials serving their third consecutive term in the same position shall not be eligible to run for the same position in the November 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections,” ayon sa Comelec Resolution No. 11207.
“No elective barangay official shall serve for more than three consecutive terms in the same position.”
Habang ang mga kasalukuyang opisyal ng SK na nahalal noong 2023 ay pinahihintulutan pa rin na muling mahalal dahil ang mga pansamantalang probisyon ng batas ay hindi sumasaklaw sa mga kasalukuyang opisyal ng kabataan.
Ang bagong four-year term law ay nalalapat sa 2026 electoral cycle.
Ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa BSKE ay isasagawa mula Sept. 28 hanggang Oct. 5.
Trending
- John Cena, tinalampak ‘TikToker’ na nangharana sa kaniya sa isang cafe
- Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!
- Award-winning actress Sue Prado pumanaw @ 44
- 1st death anniv ni Ate Guy ipinagdiwang
- Viewers ng Showtime, lumilipat sa Eat Bulaga ‘pag wala si Vice
- PBBM, nangakong wawakasan ang gutom sa bansa bago matapos ang termino
- Malacañang, nilinaw na walang direktang deal ang bansa sa Petronas para sa diesel shipment
- Over-importation ng asukal pinatatalupan

