Hindi pinaporma ng Meralco Bolts ang Macau Black Knights 115-110 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Itinuturing na bayani sa panalo ng Bolts si CJ Cansino matapos na maipasok nito ang floater sa natitirang dalawang minuto ng laro para mabasag ang deadlock at makamit ang 111-109 na kalamangan.
Muli din nitong naipasok ang game-tying three poin shot sa natitirang 30 segundo ng laro.
Ito na ang dalawang sunod na panalo ng Bolts na mayroon na silang limang panalo at isang talo.
Nanguna sa panalo ng Bolts si import Marvin Jones na nagtala ng 32 points habang mayroong 23 points naman si Cansino.
Pinuri naman ni Meralco head coach Luigi Trillo ang Macau dahil sa naging matindi ang kanilang isinagawang depensa.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

