Pasok na sa quarterfinals ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup ang San Miguel Beermen nang talunin nila ang Terrafirma 126-110.
Sa unang bahagi ng laro ay hawak ng Dyip ang kalamangan hanggang tuluyang mahabol nila ito.
Bumida sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 30 points at 16 rebounds habang mayroong 33 points at 10 rebounds si Bennie Boatwright.
Nasayang naman ang nagawang 28 points ni Mubashar Ali at 24 points ni Jerrick Ahanmisi para sa Terrafirma.
Makakasama ng Beermen sa quarterfinals ang Magnolia, TNT at Phoenix.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

