Arestado ang 37-anyos na babae nang magnakaw ito ng corporate funds na aabot sa humigit-kumulang P38.14 milyon.
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) noong Sabado, Hunyo 13, natiklo ang suspek sa isinagawang law enforcement operation sa Maryland Street, Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City, sa pamamagitan ng inisyung warrant of arrest ng korte laban sa kaniya.
Batay sa paunang imbestigasyon, napag-alamang nilimas umano ng suspek ang P38.14 milyong pondo, sa pamamagitan ng mga ilegal na transaksyon na ikinasa mula Enero 2023 hanggang Oktubre 2023.
Nabigyan kasi ito ng posisyon kung saan nagkaroon siya ng “access” sa company finances.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim na ng kustodiya ng awtoridad ang suspek para sa tamang disposisyon at wastong dokumentasyon.
Posible maharap ang suspek sa kasong Qualified Theft, sa ilalim ng Article 310 in relation to Article 308 of the Revised Penal Code (RPC).
Walang piyansang inirerekomenda para sa naturang kaso.
Ayon pa sa PNP, nakatala ang suspek bilang Rank No. 3 Regional Most Wanted Person (MWP) sa National Capital Region (NCR).
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

