Hindi na pina-follow ni Bea Alonzo si Vincent Co sa Instagram.
Malinaw na palatandaan ito na tinuldukan na rin ng Kapuso actress ang anumang namamagitan sa kanila ng bilyonaryong nobyo.
Sa pag-unfollow ni Bea kay Vincent, kasama na ring nabura ang mga magagandang alaalang pinagsaluhan nila.
Balik-normal na uli ang takbo ng buhay ni Bea, who has returned to the taping of her upcoming GMA teleserye, Whispers From Heaven.
Naiulat na hindi natuloy ang pagpapakasal nina Bea at Vincent sa Spain nitong Mayo 14.
Prenup agreement ang itinuturong dahilan ng umano’y pagpalag ni Bea.
Gayunpaman, may ilang malalapit na kaibigan si Bea na bumiyahe sa Spain para samantalahin na rin ang pagbabakasyon doon.
Sa kanyang latest IG post, Bea is hinting at a new project.
Makikitang may hawak siyang tasa ng kape at laptop. Isinulat ni Bea: “A little office day, a little cooking, and yes, the poses will be part of the agenda.”
Slowly moving on?
====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

