Matapos ang civil wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co, may panibago na namang payo ang ilang netizens sa bagong kasal—ang magplano na agad na magkaroon ng anak.
Ayon sa ilang netizens, malapit nang mag-39 taong gulang ang aktres kaya mas makabubuti umano kung hindi na sila magpapaliban pa ni Vincent sa pagbubuo ng pamilya.
Para sa iba, sayang daw ang magandang lahi ni Bea kung hindi siya magkakaroon ng sariling mga anak.
Bagama’t kanya-kanyang opinyon ang mga netizens, marami rin ang naniniwalang pribadong desisyon na ng mag-asawa kung kailan nila balak magkaroon ng baby.
Samantala, ibinahagi ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang naging pag-uusap nila ni Vincent matapos lumabas ang balita tungkol sa kanilang kasal.
“The past few weeks, Vincent Co and I have been talking to each other because of a proposed project that I have for him. Ito po ay may kinalaman sa pelikula. So we’ve been talking about it, pero not once did we talk about his wedding. Wala ho tayong kamuwang-muwang, kaalam-alam, at hindi natin pakikialaman yon. Dahil lumabas na po yung balita na sila’y ikinasal, nasa telepono kami ni Vincent. I spoke to him, nagkausap ho kami ni Vincent, and very matter of factly, tinanong ko siya, ‘Vincent, ikaw ba ay ikinasal na kay Bea?’ Sabi niya, very very matter of factly din, ‘Opo, Tito.’ Sabi ko, ‘Vince, I’m so happy for you. I wish you both the best at God bless you,’” kuwento ni Tito Boy.
Natanong din umano ng TV host kung aalis ba ng bansa ang bagong kasal para sa honeymoon.
“And then I asked him, ‘Are you travelling together after the wedding? Are you going to leave, travel out of the country?’ Sabi niya, ‘Hindi, Tito, maraming trabaho,’” dagdag ni Boy Abunda.
Ayon kay Tito Boy, parehong abala sina Bea at Vincent sa kani-kanilang commitments kaya wala pa silang planong mag-honeymoon sa ngayon.
Maging si Bea ay bumalik agad sa trabaho ilang araw lamang matapos ang kanilang kasal para sa taping ng kanyang bagong serye.
====
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial

