Nasunog ang isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Cape Engaño (MRRV-4411) nitong Lunes ng madaling araw habang nakatigil sa Puerto Princesa City, Palawan, na hinihinalang dulot ng electrical problem sa laundry room.
Naitala ang insidente 6:00 ng umaga at agad nagpadala ng Disaster Response Group ang PCG, habang rumesponde rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang apulahin ang apoy.
Ayon sa Coast Guard District (CGD) Palawan, mabilis na nakontrol ang sunog sa loob ng 14 minuto at tuluyang naapula rin agad.
Wala namang naitalang nasaktan sa insidente. Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na posibleng nagmula ang sunog sa laundry area ng barko na may mga heavy-duty machines na gumagamit ng mataas na kuryente.
Patuloy pang inaalam ang lawak ng pinsala, habang maaaring maapektuhan ang operasyon ng barko habang isinasagawa ang inspeksyon at pagkukumpuni.
Ang BRP Cape Engaño ay kabilang sa mga modernong sasakyang-dagat ng PCG na ginagamit sa maritime security at disaster response sa kanlurang bahagi ng bansa.
Trending
- DLSU pinataob ang UE
- Freddie Roach, Manny Pacquiao muling magkasama sa Wild Card Gym
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Justin Bieber, balik performer
- Kris Lawrence nililigawan ulit si Katrina Halili
- 26 miyembro ng Kamara iniimbestigahan sa ‘anomalya’ sa infra projects
- 3.9M nagparehistrong botante para sa BSKE 2026 – Comelec
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC

