Natagpuan ang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae sa isang sakahan sa Barangay Sto. Niño, Talaingod, Davao del Norte.
Ayon sa Talaingod Municipal Police Station (MPS), natuklasan ang naturang bangkay na nasa nasa advanced stage of decomposition sa Purok 4, Upper noong Martes ng umaga, Hulyo 14.
Patuloy pang bineberipika ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng babae dahil wala rin umanong anumang identification card, dokumento o personal na gamit na posibleng makatulong upang agad itong matukoy.
Agad na isinailalim sa crime scene investigation ang lugar habang dinala naman ang mga labi sa isang forensic facility para sa autopsy para matukoy ang eksaktong sanhi ng kamatayan at makakalap ng karagdagang ebidensya.
Iniimbestigahan na rin ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente.
====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

