Hindi umano agad ipinaalam ni dating Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin sa pamunuan ng Ateneo de Manila University ang pagkalunod ng dalawang manlalaro sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nalaman lamang nina Ateneo President Fr. Roberto Yap at athletics department head Em Fernandez ang pagkalunod nina Rene Baterbonia at Divine Adili isa hanggang dalawang oras matapos ang trahedya.
“The only time that the head of the athletics department, Mr. Fernandez, and president of Ateneo Fr. Yap found out (was) an hour or two after everything happened that they are dead,” ani Remulla noong Biyernes.
Sa halip, si dating team manager Christopher “Epok” Quimpo umano ang nagpaalam sa Ateneo officials tungkol sa nangyari.
Giit pa ni Remulla, sumasalamin umano ang insidente sa tila kultura ng basketball program sa ilalim ni Baldwin kung saan hindi naipaaalam sa athletics department ang mga aktibidad ng team.
“Tab is like a god. So whatever he says goes and there were no written applications or information to the athletics department,” dagdag niya.
Samantala, sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nagpakita umano ng pagsisisi si Baldwin at naiyak pa nang tanungin ng mga imbestigador tungkol sa sandaling nalaman niyang nawawala ang dalawang manlalaro.
Inirekomenda ng CIDG ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Act laban kay Baldwin at 10 miyembro ng coaching staff.
====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

