Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na maaprubahan sa ikatlong quarter ng 2026 ang komersyal na paggamit ng AVAC live vaccine mula Vietnam laban sa African swine fever (ASF).
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na inaasahang maglalabas ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng commercial release certification para sa naturang bakuna sa loob ng susunod na quarter.
“Within the third quarter, it is expected that the AVAC vaccines of Vietnam will be issued a commercial release certification from the Bureau of Animal Industry,” ani de Mesa.
“Within the third quarter (the approval will be released), though there are a few processes to go through,” dagdag niya.
Ayon kay de Mesa, maaari nang ibenta sa mga rehistradong outlet sa buong bansa ang bakuna kapag naaprubahan na ito ng BAI para sa komersyal na paggamit.
Samantala, ipinakita ng pinakahuling tala ng BAI noong Hunyo 5 na may mga aktibong kaso pa rin ng ASF sa pitong lalawigan sa limang rehiyon ng bansa.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

