Nasawi ang isang magsasakang Moro at sugatan ang kanyang kabiyak at 13-buwan na anak nang ratratin ng assault rifles ng isang grupo ang kanilang bahay sa Radjah Buayan, Maguindanao del Sur, Linggo ng gabi.
Sa ulat, tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang ikinamatay ng ama ng tahanan na si Said Sakilan Bansil sanhi ng naturang pamamaril.
Agad na dinala ng mga emergency responders ang kanyang sugatang maybahay at anak na babae sa isang hospital upang malapatan ng lunas.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng mga officials ng Radjah Buayan Municipal Police Station at ng local executives sa naturang bayan, mabilis na tumakas ang mga kalalakihang bumaril sa barong-barong ng mga biktima gamit mga assault rifles.
Ayon kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagtutulungan ang mga imbestigador mula sa Radjah Buayan municipal police, mga local executives at mga traditional Moro leaders sa pagkilala sa mga responsable sa naturang krimen.
Ayon kay De Guzman, kanilang sasampahan agad ng kaukulang mga kaso ang mga salarin kung ganap na silang makikilala ng mga imbestigador at mga intelligence agents ng mga units ng PRO-BAR sa Maguindanao del Sur.
Trending
- ‘Di ako takot sa Trump admin – Pope Leo
- Brgy. officials sa ikatlong termino, disqualified na sa BSKE 2026
- BSKE budget realignment sa fuel crisis, ‘unconstitutional’
- DOF: Pagsuspinde ng excise tax ng gasolina at diesel, halos wa-epek din
- Mas mabilis na pagkuha ng permit, inilunsad ng DENR sa Maynila
- Dark-colored shirts, pinakamabisang proteksiyon kontra UV rays — pag-aaral
- Higit 3.9M nagparehistro sa BSKE 2026
- 6-buwang ‘salary donation’ ng mga kongresista vs oil crisis, isinusulong

