Sinuspinde ng Professional Regulation Commission (PRC) ang lisensya bilang doktor ng social media personality na si Lorraine Badoy-Partosa matapos mapatunayang lumabag sa pamantayan ng wastong asal sa propesyon.
Sa isang desisyon, pinatawan ng Board of Medicine ng anim na buwang suspensyon sa kanyang certificate of registration dahil sa umano’y “unethical” at “unprofessional conduct” na paglabag sa Code of Ethics of the Medical Profession.
Bunsod nito, pinagbabawalan siyang makilahok sa anumang gawain na may kinalaman sa pagsasanay ng medisina habang umiiral ang suspensyon.
Kaugnay ang hakbang ng mga pahayag ni Badoy-Partosa na nag-uugnay sa Alliance of Health Workers (AHW), mga miyembro nito, at kay community physician Ma. Natividad Castro sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Noong 2022, unang hiniling ng AHW sa PRC na bawiin ang kanyang lisensya dahil sa umano’y paulit-ulit na red-tagging. Sinundan ito ng hiwalay na reklamo mula sa 17 doktor na humiling ng suspensyon o pagbawi ng kanyang lisensya dahil sa mga pahayag na tinawag nilang “deeply unprofessional”.
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

