Nasagip ang isang babaeng pasahero nang mahulog sa dagat habang sakay ng isang domestic passenger vessel na patungong Batangas mula Caticlan sa karagatan malapit sa Isla Verde, Batangas City nitong Huwebes, Hulyo 30.
Ayon sa report ng Coast Guard Sub-Station Batangas City 3:00 ng madaling araw ng i-report ng kapitan ng barko sa Vessel Traffic Management System Batangas ang insidente at sinasabing nasagip ng kanilang mga tripulante ang pasahero.
Kaagad nakipag-ugnayan ang Philippine Coast Guard sa Asian Terminals Inc. para sa pagresponde ng ambulansya at iba pang kinakailangang ayuda pagdating ng barko sa pantalan.
Batay sa pagsusuri ng medical personnel ng barko, nasa maayos na kondisyon ang pasahero, may malay at nagtamo lamang ng mga gasgas sa katawan.
Pagdating ng barko sa Port of Batangas 5:00 ng madaling araw, inasikaso ng mga tauhan ng Coast Guard ang pasahero at agad itong isinugod sa Batangas Medical Center para sa karagdagang pagsusuri at gamutan.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung paano nahulog sa barko ang pasahero.
Trending
- PWD bugbog-sarado sa pang-ha-harass ng Grade 3 stude
- 3 Tsekwa, arestado sa toxic chemicals at hazardous wastes sa Caloocan
- Babaeng pasahero nahulog sa dagat sa Batangas
- Fusion Alley sa Maynila inireklamo sa baho, ingay at kalat
- LTO team leader sa viral Cainta roadside ops, sinuspinde
- Misis hiniya at sinasaktan ni mister habang naka-video
- P85 wage increase purdoy
- Utak sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan, tukoy na

