Hindi raw sinadya ni Awra Briguela na magkaroon ng bagong look na sinasabing kahawig ni Kendra Kramer, lalo’t iba talaga ang naging peg niya para sa kanyang transformation.
Sa panayam ni Karen Davila sa kanyang YouTube channel, hinarap ni Awra ang komento ng mga netizen na mas naging kapansin-pansin ang pagkakahawig niya kay Kendra matapos ang kanyang nose procedure.
“Sinasabi ng ilan ngayon sa social media, kamukha mo na si Kendra Kramer. Was that intentional?” tanong ni Karen.
Ayon kay Awra, wala sa plano niyang gayahin ang itsura ng panganay nina Chesca Garcia at Doug Kramer.
Ang inspirasyon daw niya ay ang Latina model na si Cindy Kimberly.
“Hindi po. Kasi ‘yung peg ko po talaga is ‘yung Latina model po, si Cindy Kimberly.
“Pero sobrang nao-overwhelm po ako tuwing sinasabi nilang kahawig ko si Kendra Kramer o si Catriona Gray,” sagot niya.
Aminado rin siyang nahihiya kapag ikinukumpara siya sa mga personalidad na sinasabing kahawig niya dahil hindi niya mismo makita ang pagkakapareho.
“Medyo naaano nga po ako, ako ‘yong nahihiya for them kasi hindi ko rin makita,” aniya.
Para kay Awra, posibleng ang ilong ang dahilan kung bakit napapansin ng mga tao ang pagkakahawig nila nina Kendra at Catriona.
“Pero siguro po sa ilong po talaga. Kasi mga naka-tip po ‘yung nose nila. Pero flattered po ako and nao-overwhelm. Sana naman po hindi sila ma-offend,” dagdag pa niya.
Hindi lang naman limitado sa nose procedure ang naging pagbabago ni Awra.
Kuwento niya, nagsimula siyang sumailalim sa kanyang transformation noong Enero at una muna siyang kumonsulta sa isang endocrinologist.
Mahalaga umano sa kanya ang naturang konsultasyon para masuri ang kanyang testosterone levels at malaman kung gaano kataas ang hormones na maaari niyang gamitin.
“Big step po talaga siya, e. Hindi siya ‘yong ‘pag gusto mo lang gumanda or ‘yong gusto mo lang magbago, magho-hormones ka na,” paliwanag ni Awra.
====
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

