Umeere na ang teaser video ng Star Worx, ang pangalan ng artist center ng TV5.
Nitong April 9 ito inilabas kung saan ini-spell out ang phrase na STAR WORX at sa huling bahagi’y may nakalagay na 5.5.2026.
Sa May 5 na nga ba ang launch nito?
Wala pang kumpirmasyon mula sa Kapatid network, antabayanan na lang daw.
Ang tanging tiyak, si Johnny Manahan–o kilala bilang si Mr. M ang hahawak ng mga artista ng TV5 sa ilalim ng MQuest Artists Agency o MQAA.
Noon pa ito ipinahayag ni Mr. M sa kung ano ang niluluto nila sa TV5–na papangalanan nilang Star Worx.
Muli, mapapatunayan ang husay ng batikang star builder who also dabbles in directing on TV.
Si Mr. M ang nasa likod ng Star Magic, ang artist management arm ng ABS-CBN.
Nang mawalan ng prangkisa ang istasyon, Mr. M was made to handle GMA Artist Center na pinalitan niya ng Sparkle.
Abangan ang mga bagong mukha na nakatakdang ilunsad ng Star Worx.
===

Share.