Naglabas na ng warrant of arrest ang Metropolitan Trial Court Branch 28 laban sa tatlong lider ng militante na umano’y sangkot sa panggugulo noong Labor Day, Mayo 1.
Ayon kay MPD Spokesperson Major Philip Inez, inilabas ni Hon. Bernadette A. Eugenio-Tumacder ang mga WOA noong Hulyo 30 laban kina James Edward Lopez Anajao a.k.a. “Joseph Mallari/James Mallari/James Anajao” ng Sandigan ng Manggagawa ng QC; Ronald Mangampo Adonis – Chairperson ng KMU at Jacq Ruiz – Kilusan ng Kababaihan.
Kinakaharap na kaso ng mga lider ang paglabag sa Article 153 ng Revised Penal Code o “Tumults and Other Disturbances of Public Order”
Nagsimula ang reklamo matapos umanong atakehin ng mga akusado ang isang pulis na nagbabantay lamang at gumaganap sa kanyang tungkulin noong rally noong Labor Day.
Ayon kay Major Ines, may itinalaga nang team mula sa Warrant Section Unit ng MPD para magpatupad ng arrest warrant laban sa tatlo.
Samantala, patuloy pa rin ang pagdinig sa Metropolitan Trial Court Branch 6 para sa hiwalay na kasong paglabag sa Batas Pambansa 880 o Illegal Assembly laban sa iba pang lider kabilang sina Renato Reyes – Presidente ng BAYAN; Raymond Palatino – Secretary General, BAYAN; Modesto “Mody” Floranda- Presidente, PISTON at Ronald Jerome Adonis – Chairman, KMU.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet

