Pinabilib ni Anne Curtis ang mga manonood matapos makisabayan kina Jona, Klarisse de Guzman, at Angeline Quinto sa isang pasabog na production number sa ASAP.
Muling ibinahagi ng official Instagram page ng noontime musical variety show ang kanilang performance, na agad namang umani ng papuri mula sa mga fans.
Bagama’t kilala ang tatlong singer sa kanilang matitinding birit, hindi nagpahuli si Anne at ipinakita ang kanyang kumpiyansa at husay sa entablado.
Sa caption ng ASAP, inilarawan nito ang kanilang performance bilang: “ANNE-LUPIT na performance from Anne Curtis, Jona, Klarisse, and Angeline Quinto! KAYA PA!? Walang bibitaw, marami pang performances!”
Marami rin ang natuwa sa naging chemistry ng apat sa stage, na mas lalong nagpasaya sa production number.
====
Trending
- Gr. 8 honor stude, buking na utak sa online threats sa N. Ecija school
- Higit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila
- PNP: SONA 2026, mapayapa at maayos; 51 isinelda
- Driver sa hit-and-run, lifetime ban sa lisensya
- Transwoman pageant queen patay sa pukpok sa ulo
- Titser, pinagsusuntok ng 2 estudyante
- 13 katao huli sa paihi, pasingaw sa Lucena City
- Jojo Ang nagpiyansa ng P90k

