Tiniyak ni Anne Curtis na maayos ang kanyang kalagayan matapos mapansin ng ilang netizen ang tila bukol sa kanyang leeg na naging dahilan ng pag-aalala ng kanyang fans.
Sinabi ng “It’s Showtime” host na mas gusto niyang manatiling private ang tungkol sa kanyang kalusugan.
“It is not something I would like to talk about. I would like to keep things I am going through privately. But to anyone concerned, I am doing okay,” ani Anne sa isang interview matapos niyang pumirma bilang ambassador ng isang brand, ayon sa ulat.
Sa kabila ng pagiging tikom sa isyu, hinikayat ng aktres ang publiko na maging mapagmatyag sa anumang pagbabago sa kanilang katawan at huwag ipagwalang-bahala ang regular na pagpapatingin sa doktor.
“Do executive checkups and invest in your health,” sey niya.
Ayon pa sa aktres, regular na siyang sumasailalim sa annual checkups mula pa noong nasa edad 30s siya.
“Yearly I get checkups. It is important. We say mag start at 40 but I have been doing it since my thirties,” wika niya.

====

Share.