Kinailangang isantabi ni Anjo Yllana ang showbiz para bigyang daan ang kanyang pagsabak sa pulitika.
Tumakbong vice mayor ng Calamba City, Laguna ang aktor ngunit hindi pinalad.
Wala man daw siyang regrets ay nanghihinayang siya.
Aniya, he had big dreams for his constituents.
Ang i-address ang unemployment problem doon ang balak sanang pagtuunan ng pansin ni Anjo.
Nakausap na raw niya ang ilan sa mga may-ari ng napakaraming kumpanya roon.
Mostly daw ay mga Hapon at Koreano ang mga ito na nagma-mass hiring.
They pledged support for Anjo na nangakong laging may pagkain daw sa mesa ang mahihirap na pamilya doon.
Come 2028 ay hindi pa tiyak kung sasabak uli si Anjo sa pulitika.
Kung tutuusin nga raw, sa pagka-Konsehal lang ang tatakbuhan niya but he was convinced to run for a higher post.
Sa ngayon, mas may oras na siyang balikan ang showbiz.
Performing his son duties, nakatutok si Anjo sa kanyang maysakit na ina who’s undergoing dialysis.
Trending
- ‘Di ako takot sa Trump admin – Pope Leo
- Brgy. officials sa ikatlong termino, disqualified na sa BSKE 2026
- BSKE budget realignment sa fuel crisis, ‘unconstitutional’
- DOF: Pagsuspinde ng excise tax ng gasolina at diesel, halos wa-epek din
- Mas mabilis na pagkuha ng permit, inilunsad ng DENR sa Maynila
- Dark-colored shirts, pinakamabisang proteksiyon kontra UV rays — pag-aaral
- Higit 3.9M nagparehistro sa BSKE 2026
- 6-buwang ‘salary donation’ ng mga kongresista vs oil crisis, isinusulong

