Ang daming nagri-react sa mga naglabasang kuwento na kesyo mas palaban na Alexa Ilacad nga raw ang masasaksihan ngayon. May iba na hindi pa masyadong tanggap ang pagiging mapusok, palaban ni Alexa, na mas gusto pa rin nila itong makita na wholesome, ha!
Pero wala na nga silang magagawa, dahil nagawa na nga ni Alexa ang mga bagay na hindi niya ginawa noon.
Aba, sumabak na nga siya sa matinding laplapan, at pati na sa love scene, kasama si JC Alcantara.
Kaloka nga ang kuwento ni JC tungkol sa halikan nila ni Alexa.
“First day ko, kissing scene agad!” sabi ni JC.
Kasi nga, ibang role raw muna ang inalok kay JC, pero noong taping na, iba na ang role niya.
“Hindi ko alam ang gagawin, hindi ako nakapag-prepare sa role na `yon. Pero tinulungan naman ako ni Direk Ivan Andrew Payawal.
“Si Alexa sobrang dream come true kasi sa akin na makatrabaho siya. Pangarap ko talaga na makasama siya. Promise, legit na gusto ko talaga siya makasama.
“So, first kissing scene namin, dahil alam ko na first time niya, sinabi ko sa kanya na gagabayan ko siya, aalagaan, na dadahan-dahanin lang namin, na ako na ang bahala.
“So, noong go na, nag-kiss na kami. Sabi ko, oh my God, ang lala! Hindi first time.
“In a good way naman! Pero, sobrang professional ni Alexa!” kuwento ni JC, habang makikita si Alexa na init na init, hiyang-hiya sa kuwento ni JC.
Pero katuwiran nga niya, dahil first time niya, mas gusto na niyang ibigay lahat, para hindi na paulit-ulit kunan, ha!
Well, may mga nakapanood na nga ng ilang mga eksena sa bagong serye nina Alexa, JC, ang ‘Miss Behave’ sa iWant, na nagsimula nga noong June 3.
Si Alexa ay si Marla Briones, isang top-achiever student na masisira ang kanyang iniingatang reputasyon matapos kumalat ang kanyang mga pribadong larawan sa campus. Bida rin dito sina Xyriel Manabat, Reign Parani, Andi Abaya, Rans Rifol na maiipit din sa iskandalong babalot sa kanila sa kahihiyan. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, magsasanib-pwersa sila para maghiganti at puksain ang nagpakalat ng scandal.
“We made it with so much heart and pure intentions. Inaalay namin ito sa lahat ng kabataan at kababaihan na dumanas sa pinagdaanan ng mga karakter namin. This is for the victims and survivors of such incidents,” sabi ni Alexa.
Bukod kay JC, kasama rin sa serye sina Akira Morishita, Raven Rigor, Zach Castañeda, LA Santos, Zach Guerrero.
=====
Trending
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
- Joshua, asiwa sa love scenes
- Rico Blanco, spotted, may kasamang ‘mystery girl’
- Dating teammate ni Wade sinuntok sa Greek League Finals
- Ateneo umatras sa Filoil EcoOil Preseason Cup

