Aliw ang netizen sa throwback post ni Alessandra De Rossi kasama si Jake Cuenca mula sa kanilang Wansapanataym episode na “Cara” nuong 2010.
Sa caption, biro niyang isinulat, “15 years ago. Pwede na ba natin pag-usapan ‘to, @juancarloscuenca?”
Agad namang nag-react si Jake sa post at sinabing miss niya na ang kaibigan.
Ipinaabot din ng aktor ang kanyang pagbati kay Alessandra para sa mahusay nitong trabaho bilang direktor.
“Dudeee, I miss you! Hope we can work together again soon. Congrats sa recent films mo, Direk!” sabi niya, na lalo pang nagpasigla sa comment section.
Hindi nagpahuli si Alessandra at nag-reply ng “Love you dudey!”
Trending
- House Justice Committee, ‘hawak ang beat’ sa pag-impeach kay VP Sara
- Digong nagplano ng assassination, kudeta vs PBBM – Madriaga
- Madriaga isinalaysay konek sa mga Duterte
- Nick Smith Jr., hinugot ng Lakers
- Jack Animam nasungkit unang pro-title sa Japan
- MMFF 2026 sked, inilabas na
- Artist center ng TV5, ilulunsad
- BINI naka-15.5M views agad sa Coachella IG

