Napili bilang flag bearer ng bansa para sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sina Olympic boxing bronze medalist Aira Villegas at weightlifter na si Albert Ian Delos Santos.
Inanunsiyo ni Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagiging flag-bearer ng dalawa sa isinagawang send-off ceremony na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.
Si Villegas ay nagwagi ng bronze medal sa 2024 Paris Olympics habang nagwagi naman ito ng silver medal sa 2025 Southeast Asian Games.
Habang si Delos Santos ay nagwagi ng gintong medalya sa IWF Junior World Championships at Asian Junior Championships ganun din ang silver medal sa SEA Games.
Sinabi pa ni Tolentino na mayroong mga laro na ang ibang atleta kaya hindi sila maaring mapagod kaya napili nila nito ang dalawa dahil sa wala silang laro sa opening ceremony.
=====
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

