Hinimok ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno ang publiko, lalo na ang mga motorista at tsuper ng Public Utility Vehicles (PUVs), na i-report agad ang mga gasolinahan na nagsasamantala sa krisis.
Ayon sa mambabatas, mahalaga ang tulong ng lahat ng mamamayaan sa kampanya ng gobyerno laban sa mga gasolinahan na nagsasamantala sa krisis sa langis sa pandaigdigang pamilihan.
“May nakita ka bang kahina-hinala sa mga gasolinahan (na pananamantala)? Hwag itong palagpasin,” ani Diokno at agad aniya itong ireport sa website ng Department of Energy (DOE) upang maaksyunan.
Sinabi ng mambabatas na may mahigpit na patakaran aniya ang DOE para sa mga nagsasamantalang mga gasolinahan subalit hindi lahat ay kayang bantayan ang ahensya lalo na sa mga probinsya.
Maaari aniya itong ireport ng direkta sa eGOVPH app kung saan iclick lamang aniya ang “report” tab at pagkatapos ay piliin ang ‘gas station concerns” at iattach ang mga ebidensya tulad ng litrato, video at resibo para mas mabilis na aksyunan ng DOE at ng pulisya.
“Pagkasubmit mo bibigyan ka ng unique ticket number at dun mo makikita kung ano na ang status ng reklamo mo at minsan magtetexk back ang DOE para sa update,” pahayag ng mambabatas.
Kabilang sa mga maaaring ireprot aniya ay ‘punic buying or hoarding’, hindi pagsunod sa tamang presyo, hindi otorisadong pagtataas ng presyo at fuel shortage sa lugar na kinaroroonan.
Umaasa ang mambabatas na sa tulong ng publiko ay mabigyan ng leksyon at maparusahan ang mga nagsasamantalang mga negosyante na hindi makatarungan sa gitna ng krisis na nararanasan ngayon ng sambayanan.
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

