PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang batas na nagdedeklara para sa buwan ng Abril bilang Philippine Veterans’ Month, taun-taon bilang pagbibigay galang at karangalan sa kabayanihan, sakripisyo at hindi matatawarang kontribusyon ng mga beteranong Filipino.
“The new law institutionalized the month-long national observance to recognize and commemorate Filipino veterans and “ensure that their legacy is preserved for future generations,” ayon sa PVAO.
“It provides a platform for educating the public, particularly the youth, on the vital role veterans played in the country’s history while promoting greater awareness of their welfare, benefits, and continuing contributions to nation-building,” ang sinabi ng PVAO.
Hinikayat ng RA 12320 ang national government agencies (NGAs), local government units (LGUs), state universities and colleges (SUCs), at iba pang stakeholders na magsagawa ng ‘coordinated commemorative at service-oriented activities’ sa buong Abril.
Kabilang dito ang ‘media and digital content production, educational initiatives, volunteer and youth engagement programs, pinahusay na paghahatid ng benepisyo at serbisyo sa mga beterano, recognition and awards programs, at health and wellness activities para sa mga beterano at kanilang pamilya.
Ang PVAO, sa pakikipagtulungan sa Department of National Defense (DND), ay itinalaga bilang isa sa namumunong institusyon na nagpapatupad ng Philippine Veterans’ Month.
Samantala, ipinagdiwang naman ng bansa ang Araw ng Kagitingan o Day of Valor noong Abril 9, isang regular holiday para gunitain ang katapangan ng mga sundalong pinoy at amerikano na ipinagtanggol ang Pilipinas sa panahon ng World War II.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

