Nasawi ang dalawang kilalang masipag at tapat sa tungkulin na mga municipal traffic enforcers ng pagbabarilin ng mga motoristang armado sa Barangay Campo Muslim sa Malabang, Lanao del Sur noong Huwebes.
Sa mga hiwalay na ulat ng mga local executives at ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, parehong on-duty sina Samar Marohom at Jamael Talib sa isang bahagi ng highway sa Barangay Campo Muslim ng may lumapit sa kanilang dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo at agad silang pinagbabaril ng .45 at 9 millimeter pistols.
Parehong na-deklarang dead on arrival sina Marohom at Talib ng mga attending physicians sa Doctor Serapio Montañer Hospital sa Malabang kung saan sila dinala ng mga pulis at barangay officials upang malapatan sana ng lunas.
Ayon kay Salanguit at sa mga officials ng Lanao del Sur Provincial Police Office, may teorya ang mga local executives sa Malabang na may kaugnayan sa mahigpit at masigasig na pagpapatupad ng dalawang mga biktima ng mga traffic ordinances sa kanilang bayan ang pagpaslang sa kanila.
Ayon kay Salanguit, mabilis na nakatakas ang mga pumatay kina Marohom at Talib gamit ang kanilang motorsiklong walang plaka.
Ayon pa kay Salanguit, nagtutulungan ang mga local executives, mga Maranao community leaders at ang mga imbestigador mula sa Malabang Municipal Police Station sa pagkilala sa mga pumatay kina Marohom at Talib upang masampahan ng kaukulang mga kaso.
Trending
- Loraña, Roda, at Balderama nasungkit pangalawang ginto sa PH Athletics
- Iran, tabla sa unang laro sa World Cup
- MrBeast umabot na sa 500 milyon ang YouTube subscribers
- Julia Montes todo asikaso sa ex ni Coco na si Katherine Luna
- Cup of Joe, Dionela, Maki atbp, maghaharap sa 17th Star Awards for Music
- 3 bagitong tulak, timbog ng QCPD
- Nakalalasong bula sa ilog sa Laguna, tatalupan ng DENR
- 78 na nasawi sa lindol sa Mindanao

