Inamin ng beauty queen-actress na si Michelle Dee na nawiwindang siya sa mga kaganapan sa Miss Universe.
May mga isyu kasing involved dito tulad ng diumano’y rigged results, resignation ng judges, at pagwo-walk out ng contestants last year.
Katunayan, may mga kumalat ngang espekulasyon na ang prangkisa ng nasabing pageant ay posibleng mabili ng isang Pinoy.
Kung sakali raw mangyari ito, naniniwala naman siyang hindi ito magiging hadlang para magwagi ang isang Pinay.
Ayon pa kay Michelle, pareho niyang ine-enjoy ang pagiging creative sa harap at likod ng kamera lalo pa’t sumalang na rin siya sa pagkakaroon ng podcast.
Aside from being in the limelight, passion din daw niya ang acting.
Natanong naman siya kung willing ba siyang i-give up o isuko ang lahat para sa pag-ibig.
Naging matalino naman ang kanyang naging sagot.
Aniya, kung mahal daw siya ng isang lalaki ay never siyang kokontrolin nito at irerespeto ang anumang bagay na gusto niya o nakapagpapaligaya sa kanya.
Ibig sabihin, siya raw iyong tipong hindi bet pakontrol sa partner.
=====

Share.